We translate the world Contacts
     GSA Contract #GS-35F-0218R US CAGE - NATO Sup. Code 097N5  


Partner LUX 2 series
Free speech electronic translator - Translates anything you say.
partner LUX 3 series
Free Speech Translator. No Internet connection needed; start translating with it right out of the box.
iTravl 2 series
A necessity for travel. Communication has never been this easy or fun!
Budget series
Big value for small budget. Instant talking translation of almost any word.
C-Pen
With the C-Pen you can scan and load printed text to your computer with no strings attached.
Partner 900 Series
Our best device for language learning and communication.

Ang ECTACO, Inc. ay isang nangunguna sa mundo sa teknolohiya ng elektronikong pagsasalin-wika. Bumuo ng ilan sa mga pinaka-sopistikadong aparatong nabibitbit sa kamay at mga software, ang kanilang koponan ng mga dalubhasa ng wika at tagadisenyo ay walang kapares. May-akda ng mga ginantimpalaang disenyo at bumuo ng mga tagasalin-wika na nabibitbit sa kamay para sa pamahalaan ng Estados Unidos, ang ECTACO, Inc. ay kilala sa buong mundo bilang bumubuo ng mga abot-kaya at maaasahang mga mabibitbit na aparatong tagasalin-wika. Nakatuon sa kalidad at sa ideya ng pang-internasyonal na komunikasyon at pagtutulung-tulungan, ang ECTACO, Inc. ay nangunguna sa larangan ng pagdudulot sa lahat ng tao, mula sa mga bagito hanggang sa mga propesyonal, ng mga kasangkapang kinakailangan nila para maglakbay, makaintindi at matuto.

Ang LingvoSoft ay ang sangay ng ECTACO, Inc. para sa software development. May-akda ng malawak na hanay ng mga kapaki-pakinabang at makabagong software para sa halos lahat ng mga popular na sistemang pang-wika at operating system, patuloy silang nangunguna sa paggawa ng mga makabagong likha. Nangungunang tagapagbuo ng software para sa Pocket PC, Palm OS, Symbian, Windows at SmartPhone, ang LingvoSoft ay regular na kinikilala ng industriya para mga kagilas-gilas nitong nakamit at nakatanggap na ito ng maraming mga gantimpala at papuri.

Mga Elektronikong Diksyunaryo

800 Series Mga Elektronikong Diksyunaryo
Ang mga Modelo ng 800 Series para sa mga naglalakbay at mag-aaral na kailangang makipag-komunikasyon agad sa isang banyagang wika. May kakayahang magsalita ng higit sa 14,000 na mga pariralang may kinalaman sa paglalakbay mula sa kanilang kakaibang PhraseBook gamit ang totoong pagboboses ng tao ayon sa pagkakabigkas ng mga katutubong nagsasalita, ang mga ito ay nagbibigay ng agarang baligtarang pagsasalin-wika mula sa isang malawakang diksyunaryo. Ang pagkakasali ng pinakamalakas na mga pag-andar sa paghahanap ay nagbibigay-daan sa mga gumagamit na mahanap kung ano ang kanilang kinakailangan upang agad na masimulan ang pakikipag-komunikasyon.

TL-2 Series Mga Elektronikong Diksyunaryo
Ang pinakamagaling na kaakibat sa wika, ang mga mapapalawak at maipapasadyang aparato na ito na nabibitbit sa kamay ang siyang pinaka-sopistikadong aparatong tagasalin-wika na aming ginagawa. May kakayahang makilala ang pananalita ng isang indibidwal na gumagamit, isalin ito sa isang banyagang wika at pagkatapos ay ibigkas nang malakas ang pagsasalin-wika gamit ang totoong boses ng tao, ang mga ito ay mga makakapangyarihang kasangkapan. Magagamit para sa halos lahat ng wika, ang mga kagilas-gilas na aparatong ito ay akma sa bawat layunin mula sa simpleng komunikasyon hanggang sa pagbibigay ng mga detalyeng bilin. Kapag kailangan mong maging kumpyansa at makasiguro, ang TL-2 ay ang aparatong dapat piliin.

B-3 Series Mga Elektronikong Diksyunaryo
Ang mga aparatong nasa B-3 Series ay perpekto para sa naglalakbay. Makukuha mula sa dalawa hanggang sa maraming tumbasan ng wika, ang mga aparatong ito ay tamang-tama kapag naglalakbay sa isang banyagang bansa kung saan ay wala kang anumang nalalaman sa lokal na wika na kahit isang salita. Ang lahat ng mga tumbasan ng wika ay may tampok na totohanang pagbigkas ng boses ng isang katutubong nagsasalita para sa lahat ng mga 14,000 na parirala na may kinalaman sa paglalakbay. Hinahati ayon sa aktibidad, ang mga ito ay nagbibigay-daan sa mga gumagamit na matagpuan ang kinakailangan na parirala sa loob ng ilang mga segundo lamang. Ngayon ay makakakuha ka na ng tulong habang bumibisita sa isang bangko, pinaplano ang iyong pamamasyal, bumibisita sa isang restawran at higit pa – at agarang makipag-komunikasyon!

X5/X8 Series Mga Elektronikong Diksyunaryo
Ang mga sopistikadong tagaturo na ito ay isa sa mga pinakakapaki-pakinabang na magagamit na sistema sa pagkatuto ng wika para sa mga nagnanais na matutunan nang husto ang ikalawang wika. May tampok na napakaraming mga mahahalagang gamit-yaman, ang mga bokabularyong ito ay naglalaman ng daan-daang libong tala sa pangkalahatang diksyunaryo at may kasama din itong espesyal na teknolohiya. Ang mga maunlad na modelong ito ay maaari ding magdulot ng mga kakayahan sa pananalita na makakatulong na pagbutihin ang pagbigkas upang ang mga gumagamit ay agad na makakapagsalita nang katulad ng mga katutubong nagsasalita.

600/630 Series Mga Elektronikong Diksyunaryo
Ang mga ito ay mga abot-kaya at matitibay na aparatong nabibitbit sa kamay. Kabilang sa mga ito ay ang mga malawakang bokabularyo, mga gamit-yaman para sa balarilang Ingles, at mga sanggunian sa pagsusulit na sumusunod sa pamanatayan. May taglay na mabilis at malakas na pag-andar sa paghahanap, ang mga ito ay nagdudulot ng lahat ng kinakailangan para sa agarang komunikasyon at baligtarang pagsasalin-wika. Lubhang na mapag-akma at mainam gumana, ang mga aparato sa hanay na ito ay mga tagaturo ng wika na may panlahatang kakayahan.

400/430 Series Mga Elektronikong Diksyunaryo
Popular at abot-kaya, ang mga aparatong ito ay lubos na maabilidad, mapag-akma, at mahusay gumana na mga aparatong nabibitbit sa kamay para sa mga nagnenegosyo. May kalakip na mga ginantimpalaang tampok, ang mga diksyunaryong ito na may maramihang direksyon ng pagsasalin-wika ay may taglay na mga kapaki-pakinabang na kakayahang pang-boses. May kasamang pinaka-modernong organizer na pang-negosyo sa maraming wika, pinagsasama-sama nila ang lahat ng aming mga pinaka-popular na tampok sa iisang tumpok na nakakatipid ng oras na siguradong magugustuhan ng lahat ng mga abalang executive.

200/230 Series Mga Elektronikong Diksyunaryo
Ang mga pangsimulang modelong ito ay perpekto para sa mga naghahanap ng mga pangunahing pag-andar sa abot-kayang halaga. Direkta at madaling gamitin, ang mga ito ay may tampok na mga diksyunaryo para sa pagsasalin sa dalawang wika at isang maginhawang organizer na pang-negosyo. Kabilang din sa mga karagdagang gamit-yaman ang isang pag-andar sa pag-rekord ng mga bagong salita na nagbibigay-daan sa mga gumagamit na magdagdag ng kani-kanilang mga sariling tala at isang malawak na hanay ng mga pang-araw-araw na parirala at idioma na siyang dahilan upang ito ay maging isang maginhawa at kapaki-pakinabang na pantulong sa pag-aaral ng wika.

Iba pang mga Aparato

Hindi lamang ang Ectaco Inc. ang nangungunang tagabuo ng mga elektronikong aparatong tagasalin-wika na nabibitbit ng kamay, ito din ay isa sa mga nangungunang online na tagatingi. Ang Ectaco, Inc. ay nagbebenta din ng ibang mga de-kalidad na aparato na gawa ng iba na may kaakit-akit na presyo, kabilang ang mga gawa ng Franklin, Yishen, Besta, Goldic, Lingo at marami pang iba. Sa pamamagitan nito ay hindi lamang nakukuha ng mga parokyano ang lahat ng kanilang kinakailangan sa iisang maginhawang lugar, ngunit nagbibigay din ito sa mga mamimili ng kakayahang maipaghambing nang diretsahan ang iba’t-ibang mga produkto.

Software para sa Pagsasalin-wika

Mga Suite
Ang LingvoSoft Suites ay ang pinagsanib na solusyon para sa pamamahala ng wika na perpekto para sa kapwa mga mag-aaral, naglalakbay at propesyonal. May tampok na 3 applicaiton na walang-putol na magkakaugnay, ang mga ito ay nakikinabang sa mataliong pag-andar sa pag-edit ng teksto na pamilyar na sa mga gumagamit upang makapagdulot ng isa sa mga pinakamalakas na karanasan sa pagsasalin-wika at pagkatuto. May tampok na mga baligtarang diksyunaryo, flashcard at libro ng parirala, ang mga nagsasalitang bersyon ay may kakayahang ibigkas ang kani-kanilang mga pagsasalin nang malakas. Ang mga ito ay may magandang halaga at may tampok na pinalawak na paggana at kaakmaan sa Windows, Pocket PC, at Palm OS para sa walang-kapares na pagganap.

FlashCards
Ang LingvoSoft FlashCards ay ang masayang paraan upang madagdagan ang bokabularyo at mapagbuti ang pagbaybay. May tampok na 4 na kawili-wiling laro sa pagkatuto ng wika, ang mga ito ang madunong na mapagpipilian ng lahat ng mga natutuo kahit saan. Inirerekumenda ng mga guro at hinahangaan ng mga magulang at mag-aaral, ang mga ito ay marapat na nagpapasaya sa karanasan ng pagkatuto ng wika.

PhraseBooks
Ang LingvoSoft PhraseBooks ay mga perpektong kaakibat sa paglalakbay at gamit-yaman sa pagkatuto. May taglay na 14,000 na mga salita at parirala na unang gagamitin, ang lahat ng mga pariralang may kinalaman sa paglalakbay na nakapaloob sa mga madaling gamitin na application na ito ay maaaring maibigkas nang malakas upang makatulong sa tamang pagbigkas at makadagdag na din sa bokabularyo.

Mga diksyunaryo
Mga diksyunaro na malawakan at marami ang saklaw para sa iba’t-ibang kumbinasyon ng wika, ang mga ito ay maaaring maglaman ng higit sa 1,000,000 salita at parirala para sa agarang pagsasalin sa alinmang direksyon. Malakas, sopistikado at madaling gamitin, ang mga ito ang mga pinakamahalagang kasangkapan sa moderno, pang-internasyonal na komunikasyon, pag-aaral at pananaliksik. Kabilang sa mga ginantimpalaang tampok ang mga ganap na kapasidad para sa boses at mga makabagong pag-andar sa paghahanap na nagbibigay-daan sa mga gumagamit na masulit ang mga napakahalagang gamit-yaman na ito.

Software para sa Pagsasalin-wika ng Full Text
Nagdudulot ng maiintindihang pagsasalin-wika ng mga full text file ang software na ito ay perpekto para sa sinumang nagtatrabaho sa banyagang wika. Hindi limitado sa maiikling dami teksto, ang kakaibang software na ito ay maaaring makapagsalin ng mga buong liham, email, Web page at higit pa sa mga aparatong tumatakbo sa Windows, Pocket PC, Palm OS, at Symbian. Ganap na mapapasadya, nagbibigay-daan ito upang maiangkop mo ang pagsasalin-wika sa uri ng teksto na sinasalin mo upang matiyak mo na makukuha mo ang teksto na madaling mababasa sa unang pagkakataon.

Mga tagasalin ng bigkas
Gumagamit ng nakapamodernong sistema sa pagkilala ng pananalita na hindi nakasalalay sa nagsasalita, ang mga kamangha-manghang tagasalin ng bigkas ay nakakaintindi kung ano ang sinasabi sa kanila, isasalin ito at pagkatapos ay ibibigkas ang pagsasalin pabalik sa totoong boses ng tao. Ang mga ito ay ilan sa mga pinakasopistikadong aparato, at ginagamit ng mga propesyonal at ahensya ng pamahalaan sa buong mundo.

Pagsasalokal ng Wika
Nadgbibigay-daan upang magamit ang isang aparato sa maraming iba’t-ibang wika, na ibinabalik ang kadalian ng paggamit na kadalasang nawawala kapag sinusubukang gumamit ng isang banyagang wika. Ang pagsasalin ng mga nakapang-kahulugang menu, ang mga utos na nasa screen, at ang pagbibigay-daan sa matalinong paggamit ng mga aparatong tumatakbo sa Windows, Pocket PC, Palm OS, MS Smartphone, at Symbian, ito ay nagbibigay-daan sa iyo upang maulit mo ang mga tampok ng iyong computer o ng iyong aparatong nabibitbit sa kamay.

Mga Bundle
Ang mga Bundle ay ang madunong at abot-kayang paraan upang sulitin ang iyong aparato. Tampok ng mga ito ang buong hanay ng mga application na magagamit para sa isang mismong wika o rehiyon at ang mga ito ay magagamit para sa mga pinakapopular na plataporma at OS kabilang ang Windows, Pocket PC, Palm OS, at mga Mobile Phone. Ang mga abot-kayang koleksyon na ito ay nagdudulot para sa lahat ng mga aparatong mayroon ka na o magkakaroon ka sa hinaharap, at nag-aalok ng kakayahang mapuntahan ang isang bagong mundo ng matalinong pamamahala ng wika.

Iba pang Software

Makukuha din mula sa mga online na tindahan ng Ectaco/LingvoSoft ang iba’t-ibang mga kapaki-pakinabang na software at utilities mula sa iba pang mga developer. Kabilang ang Systran, Promt, IdiomaX, Tong-Yi, Babylon, Ultralingua, Paragon, at ang nirerespetong TeLL Me More series, may isang buong hanay ng mga solusyon sa pamamahala ng software ang maaaring makuha para sa mga pinaka-popular na plataporma kabilang ang Windows, Pocket PC, Palm OS, Mobile Phones at Apple iPod.

Mga Wika
May mga aparato at software ang makukuha para sa mga sumusunod na wika; Albanian, Arabo, Armenian, Azerbaijani, Bengali, Bosnian, Bulgarian, Tsino (Pangkaraniwan), Tsino (Tradisyunal), Croatian, Czech, Danish, Dutch, Ingles, Estonian, Finnish, Pranses, Aleman, Griyego, Hebreo, Hindi, Hungarian, Indones, Italyano, Hapones, Koreano, Latin, Latvian, Lithuanian, Norwegian, Persian (Farsi), Polish, Portuges, Romanian, Ruso, Serbian, Slovak, Slovenian, Espanyol, Swedish, Tagalog, Thai, Turko, Ukrainian, Vietnamese, Yiddish.

Mga Plataporma
Ginagawa ng LingvoSoft na ang lahat ng mga software nito ay naaakma sa isang malawak na hanay ng gma plataporma at operating system upang makapagdulot sa mga gumagamit ng pinakamalawak na pagpipilian. Tampok ang mga eksklusibong software application sa 48 na wika para sa Windows, Pocket PC, Palm OS, Smartphone, and Apple iPod, ang LingvoSoft ay patuloy na bumubuo ng mga bago at pinasariwang programa para sa mga aparatong nabibitbit sa kamay, mga desktop at laptop computer, at mga mobile telephone.

Ectaco United States
Ectaco United Kingdom
Ectaco Germany
Ectaco Poland
Ectaco Italy
Ectaco Russia
Ectaco Australia & New Zealand
Ectaco Canada
Ectaco Spain
Ectaco Ukraine
Ectaco China
LingvoSoft
LingvoSoft United Kingdom
LingvoSoft Germany